We use cookies to customise content and advertising to provide social media features and to analyse traffic to our site. We also shares information about your use of our site with our trusted social media, advertising and analytics partners. read more.
  •    
  •    
  •    

    Gloc 9 / Lyrics

    Playlist 1 Comment 0 Rate 5 Like & Share Print Email Play

    "Hindi Mo Nadinig Feat. Jay Durias" Lyrics

    Gloc 9

    Album:
    Genre:Hip-Hop, Rap
    Duration:00:05:12
    Rank: (−) history »
    Rate:
    5.0/5 from 5 users
    Charts: view all »
    Referring urls:view all »

    Video

    Lyrics

    [Chorus: Jay Durias]

    Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
    Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
    Nagkamali ako sa mga pangako mo
    Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

    [Gloc 9]

    Minahal na kita nang makita kita
    Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
    Kinapalan ang mukha niligawan kita
    Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
    Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
    Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw
    Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
    Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw
    Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
    Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
    At sinabi sa'kin sa hangin parang tinangay
    Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay
    Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit
    Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
    Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit
    Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit
    Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
    Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
    Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
    Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

    [Chorus: Jay Durias]

    Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
    Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
    Nagkamali ako sa mga pangako mo
    Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

    [Gloc 9]

    Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
    Madalis na magising wala ka saking tabi
    Pero di naman siguro, baka guni-guni ko lamang to
    Walang lang to, siya'y may pinapabili
    Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
    Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
    Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
    Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
    Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
    Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
    Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
    Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
    Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
    Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano
    Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko
    Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
    Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
    Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin
    Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing
    Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

    [Chorus: Jay Durias]

    Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
    Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
    Nagkamali ako sa mga pangako mo
    Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

    [Gloc 9]

    Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala
    Kahit walang dahilan magagamit ko pala
    Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
    Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga
    Pinilingan ang mata, tinalian ang kamay
    Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
    Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
    Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
    Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
    Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
    Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
    Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido
    Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon
    Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
    Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
    Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon
    Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig
    Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
    Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
    Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig
    This song was submitted on August 13th, 2012 and last modified on August 17th, 2012.
    Thanks to lostmmr112 for the contribution to this song.
    Lyrics licensed by LyricFind.

    Songs you may also like

    • same album
    • same artist
    • popular on LSI
    • new on LSI

    Comments

    Facebook (0) LetsSingIt (0)