We use cookies to customize content and advertising, to provide social media features, and to analyze traffic to our site. We also share information about your use of our site with our trusted social media, advertising and analytics partners. Read more.
  •    
  •    
  •    

    Gloc 9 / Lyrics

    Playlist 2 Rate 0 Like & Share Print Email Play

    "Panaginip" Lyrics

    Gloc 9

    Album:
    Genre:
    Duration:00:04:19
    Rank: (−)
    Rate:
    −/5 from 0 users
    Charts: view all »
    Referring urls:view all »

    Video

    Lyrics

    Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok
    Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
    Kahit mainit, malamig basta't napasandal
    Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal

    Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman
    Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam
    Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal
    Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

    Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita
    Kahit'sinasampal nila ako, nakikita pa kita
    Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako
    Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko

    Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya
    Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya
    Buong hacienda, ipapamana sa iyo
    Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako

    CHORUS
    Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
    'Pagkat nadarama'y ligaya
    Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
    'Pagkat ikaw ay aking mahal

    Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling
    Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin
    'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw
    'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw

    Napahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam
    Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram
    Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip
    Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip

    Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa
    At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala
    Binale-wala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay
    Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay

    Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos
    Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos
    Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin
    At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising

    [Repeat CHORUS]

    3RD STANZA BACKGROUND
    Nasa'n ka man ngayon
    Nais ko malaman mo
    Hinahanap-hanap ko
    Kinakabahan, iyong halik

    Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
    'Pagkat nadarama'y ligaya
    Lahat ng maisip mo'y aking ibibigay
    'Pagkat ikaw ay aking mahal

    [With 3RD STANZA BACKGROUND]
    Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan
    Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan
    Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang
    'Di na nga makapaghihintay, pahalik naman, isa lang, isa lang, isa lang

    Ha, ha ha ha ha ha ha, he he he
    Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik
    Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling
    Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising

    Na para bang duling, para bang lasing na napraning
    Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating
    Ang minimithi, abot-kamay,walang wala ito sablay
    Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay

    Mga halik hanggang buhay, mga halik kahit patay
    Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay
    Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuang dahil sa 'yo
    Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

    [Repeat CHORUS]

    CODA
    Mahal
    'Pagkat ikaw ay aking mahal
    Hah hah hah haah
    This song was last modified on September 18th, 2005.
    Lyrics licensed by LyricFind.

    Songs you may also like

    Contributors

    leaderboard activity

    Comments

    Facebook (0) LetsSingIt (1)