LetsSingIt the internet lyrics database
en
0
picture

"Ere 51" Lyrics

4.5 / 5
Song updated, review now!
Intro:
Binibigyang mensahe, binuhos walang tapon kaso di naisasalin yeaaah
Tinitiyak ng hangin na dika malulunod pagka hihingang malalim hhhaaaa

V1:
Kinasangkot ang dilim nanlisik ang mata
Bagong baluting astigin pagdala
Lulan ng titik pagibig
Pagnangusap ang sining napipipe na't nata...

Tahimik! Tulak kabigin ng panga
Balanse na paligid na malimit sa madla
Tago ang bituin kaya mali ang tinala
Sa mundo na walang lihim bakit di ka kilala?

Isa pa! Talagang kahanga hanga
Ang haka haka ng mga makata
Pagkalabog ng akda nyang
Madalas mabababa't, naaabot ng bata

Sanggol ka nga ba sa pagka-Tabula Rasa
Na takot sa bagong barang maghapunang kakuntsaba
Taulava Gatotkaca o Kurama
Basta lahat ng tatalunan ko garantisado na nagbabaga! Uh!

Hook:
Panong mapapansin ba ang tampisaw kung langoy na sa iba
Pag akong kalaro mo magtimpla
Mapa obra o tinta
Basa ko na lango kang tanginaaa

Post-Chorus:
Dumating din ang paghihintay ng gustong maintin..
Dihan ang sulat, mahaplos at maapuhap
ang ulap bago nun may bulak pa muna sa lusak (sadyang)

V2:
Sa ibayong platito ni Ron
Sakay ay bitin ang binti at tikom
Ang bibig, mahapdi tumingin, may ilong
Na pipi, kilala at hindi ganitong

Katulad ko na maikli ang tilon
Anino lamang ang syang kalingunan
Sino bang ayaw sumikat umapaw?
Hiling sa bulalakaw makipagpalit sa araw

Minsan nakong lumapag sa palayang
puro hayop
Kasabay ang pagod na magsasakang kumakayod
Madampian na galing sa malayang humahagod
Napalitan ng hanging lagalag at dumadagok

Kundi ka pamilyar sa kadiring bumabalong
Pag bukal mo pahigupin ang lahat ng dumadaong
Masasanay na sa musikang sabaw ang mga plato

Hook:
Panong mapapansin ba ang tampisaw kung langoy na sa iba
Pag akong kalaro mo magtimpla
Mapa obra o tinta
Basa ko na lango kang tanginaaa

Post-Chorus:
Sa apat na sulok ng karwahe
Naranasang pagsubok masasabing
Angkas ka pagka hindi na makatao ang dahilan pagabante

V3:
Sa taas ng muog may mga tunog
Ng trumpeta na magkakasunod
Dambahan na sa pila lagi nang pasugod
Dagsa mga hingian sa pinakaloob

Pagkabangon nasilip ko na ang bukas, mamaya ang madalas pinapaboso
Malalabong pabalikin pa ng oras, may katarata na mata ni Agamoto

Kaya takbo paplakda
Napagtanto mo na pagbangga
Na ang paso merong pambanto kaso paglapnos walang pangkalma

Hawak ko ang liham na pinapakapitan
Ng sinag at pinarating nyang
Kahit magsiksikan kami sa lilim
Mainit lang mainam sa kailaliman

Kaso sunod sa panuto, naguungusan
Panong ang gutom matutugunan
Totoong pakulo ang pagtutulungan
Pagkat puro katoto lang ang natuturukan

Nauto ka namang lahat nagising
Mailawan sa lawak ng pagkaitim
Kasikatan sa balak na makatikim
Mahirap pagkat kakagat pa ang dilim

Gabi gabi pagka titingala
Sabi daw e dyan nagsisilabasan
Pangitaing malaking himala
Kami kami napaghihinalaan

Sa ere maraming ganap na hindi matitigan ng klaro
Mula sa hindi nakikita ay dun pa pala mas naging mapanira ang tao
song info:
Verified yes
Language
Genre
Rank
Duration00:03:33
Charts
Copyright ©
Writer
Lyrics licensed byLyricFind
AddedJuly 22nd, 2021
Last updatedMarch 6th, 2022
About

Album Details

Video

Songs you may also like

Nero
Similar genre
Popular on LetsSingIt
New on LetsSingIt
show all Nero songs
show more songs with similar genre
show this week's top 1000 most popular songs
show all recently added songs

Contributors

leaderboard
activity

Comments (0)